Gabay sa Pag-aalaga ng Biik
Material type: TextPublication details: Phils. ATI / ITCPH [20--?]Subject(s): Online resources: Summary: Ang biik ay maliliit at batang baboy na maaaring umabot ng humigit kumulang na 20 kilo ang timbang. Sa ibang lugar ito ay kilala rin sa tawag na buwik o kulig. May dalawang klase ang mga biik. Ito ay ang mga sumususong biik o "sucklings" at mga walay na biik o "weaners". Ang magandang biik ay makintab at mala-rosas ang kulay ng balat, manipis at nakadikit ang balahibo sa balat. Ang mga mata ay malinis, malinaw at walang muta, hindi namumula o namamaga. Ang nguso ay mamamsa-masa ngunit walang sipon. Ang mga biik ay dapat masaya at masiglang kumilos. Ang balat ay walang mga pantal o kgat ng lamok o parasito. Ang mga biik ay dapat ding mabibilog ang katawan, matitibay ang mga paa, likod at balikat. Ang isang magandang biik ay dapat tumitimbang ng 18-23 kilo sa edad na 60 araw o dalawang buwan. Kung magkakapatid ang mga biik, hindi dapat nagkakalayo ang mga timbang at laki nila.Item type | Home library | Collection | Call number | Status | Date due | Barcode | Item holds |
---|---|---|---|---|---|---|---|
eLearning Materials | Asian Technical Vocational Education Resource Center | AGRICULTURE SECTOR | Available | ELM-00098 |
Ang biik ay maliliit at batang baboy na maaaring umabot ng humigit kumulang na 20 kilo ang timbang. Sa ibang lugar ito ay kilala rin sa tawag na buwik o kulig. May dalawang klase ang mga biik. Ito ay ang mga sumususong biik o "sucklings" at mga walay na biik o "weaners". Ang magandang biik ay makintab at mala-rosas ang kulay ng balat, manipis at nakadikit ang balahibo sa balat. Ang mga mata ay malinis, malinaw at walang muta, hindi namumula o namamaga. Ang nguso ay mamamsa-masa ngunit walang sipon. Ang mga biik ay dapat masaya at masiglang kumilos. Ang balat ay walang mga pantal o kgat ng lamok o parasito. Ang mga biik ay dapat ding mabibilog ang katawan, matitibay ang mga paa, likod at balikat. Ang isang magandang biik ay dapat tumitimbang ng 18-23 kilo sa edad na 60 araw o dalawang buwan. Kung magkakapatid ang mga biik, hindi dapat nagkakalayo ang mga timbang at laki nila.
There are no comments on this title.