Pagbababuyan

Material type: TextTextPublication details: Pili, Camarines Sur DA [20--?]Description: 17 p. : col. illSubject(s): Online resources: Summary: Sa pagpili ng lahing aalagaan, dapat tiyak ang pakay ng mag-aalaga: patabain ba ang gusto niya o papaparami ng baboy? May mga lahing mahusay na inahin at mayroon namang mahusay na patabain. Isa pa, dapat isaalang-alang din ang iba pang katangian, tulad ng pangangatawan ng baboy. Yorkshire- magandang inahin dahil malalaki ang nagiging biik at maraming maggatas. Maganda ang uri ng karne nito. Landrace- Magandang inahin dahil malalaki rin ang mga biik nito at maraming maggatas. Umeepekto agad ang pagkaen kaya mabilis lumaki ang mga biik nito. Duroc- kulay tansong pula ang lahing ito at kamukahng-kamukha ng Poland China. Matibay ang kanilang katawan sa sakit tulad ng Berkshire. Palaanak ang inahin at malalaki ang biik. Mabilis tablan ng pagkain kaya mabilis ding lumaki. Berkshire- Magandang inahin, palaanak gaya ng ibang lahi lalo na't kung sa mestisong lahi ipakakasta. Ang itim na Berkshire ay may "turned up nose" at may batik na puti sa mukha, paa at buntot. Poland China- Mabilis lumaki ang lahing ito, matangkad, at kahawig ng bagong Berkshire. Karaniwan, and inahin nito ay hindi gaanong palaanak, ngunit kapag ipinakasta sa karaniwang lahi, marami ring magbiik. Hampshire- Itim ang kulay nito at mahahaba ang paa. Hindi gaanong kumakapal ang katawan nito subalit matibay sa sakit at sanay kumain ng kaning-baboy. Hypor- Masipag manganak ang mga inahin at maraming maggatas. Malalaki at malulusog ang biik nito. Malaman ang likod at pata at masarap ang karne.
Item type: eLearning Materials List(s) this item appears in: eLearning Materials
Tags from this library: No tags from this library for this title. Log in to add tags.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Item type Home library Collection Call number Status Date due Barcode Item holds
eLearning Materials eLearning Materials Asian Technical Vocational Education Resource Center AGRICULTURE SECTOR Available ELM-00100
Total holds: 0

Sa pagpili ng lahing aalagaan, dapat tiyak ang pakay ng mag-aalaga: patabain ba ang gusto niya o papaparami ng baboy? May mga lahing mahusay na inahin at mayroon namang mahusay na patabain. Isa pa, dapat isaalang-alang din ang iba pang katangian, tulad ng pangangatawan ng baboy. Yorkshire- magandang inahin dahil malalaki ang nagiging biik at maraming maggatas. Maganda ang uri ng karne nito. Landrace- Magandang inahin dahil malalaki rin ang mga biik nito at maraming maggatas. Umeepekto agad ang pagkaen kaya mabilis lumaki ang mga biik nito. Duroc- kulay tansong pula ang lahing ito at kamukahng-kamukha ng Poland China. Matibay ang kanilang katawan sa sakit tulad ng Berkshire. Palaanak ang inahin at malalaki ang biik. Mabilis tablan ng pagkain kaya mabilis ding lumaki. Berkshire- Magandang inahin, palaanak gaya ng ibang lahi lalo na't kung sa mestisong lahi ipakakasta. Ang itim na Berkshire ay may "turned up nose" at may batik na puti sa mukha, paa at buntot. Poland China- Mabilis lumaki ang lahing ito, matangkad, at kahawig ng bagong Berkshire. Karaniwan, and inahin nito ay hindi gaanong palaanak, ngunit kapag ipinakasta sa karaniwang lahi, marami ring magbiik. Hampshire- Itim ang kulay nito at mahahaba ang paa. Hindi gaanong kumakapal ang katawan nito subalit matibay sa sakit at sanay kumain ng kaning-baboy. Hypor- Masipag manganak ang mga inahin at maraming maggatas. Malalaki at malulusog ang biik nito. Malaman ang likod at pata at masarap ang karne.

There are no comments on this title.

to post a comment.
© 2021 Curriculum and Training Aids Development Division |Asian Technical Vocational Education Resources Center

Powered by Koha